58

Aug 8, 2018 @ 16:38
By

Comelec nagpatupad ng balasahan

Nagkasa ng balasahan ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) sa ilang departamento nito simula noong Lunes.

Naglabas ng direktiba ang Comelec na pirmado ni Chairman Sheriff Abas noong Agosto 3, 2018 na naglilipat kay Director James Jimenez sa Planning Department mula sa dati nitong opisina sa Education and Information Department.

Magpapalitan ng puwesto sina Jimenez at Dir. Esmeralda Ladra na dati namang may hawak ng Planning Department.

Gayunman, sa kabila ng reshuffle, mananatiling si Jimenez pa rin ang tagapagsalita ng komisyon.

Na-promote naman bilang Asst. Director ng Education and Information Dept., si Atty. Francis Arabe na dating election officer ng Pasay.

Wala pang ibinibigay na paliwanag ang pamunuan ng Comelec sa posibleng rason ng naturang balasahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?