51

By

Comelec na-shock sa ‘campaign panty’ ng isang kandidato

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ikinukunsidera na ang pagpapalabas ng listahan ng mga campaign giveaways na maaring ipamahagi ng mga kandidato sa papalapit na midterm elections.

Ito ay kaugnay sa naging viral sa social media na retrato ng panty na may nakatatak na pangalan ng isang kandidato.

Ayon kay Guanzon nakakabahala ang kakaibang campaign giveaway at aniya dapat ipagbawal ang mga maituturing na mahalay o malaswa.

Pagdidiin nito dapat ay may alintutunin na ukol dito.

Sinabi na naman na ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, tali ang kanilang mga kamay sa usapin ng early campaigning.

Aniya nakasaad sa RA 9369 na maituturing lang na opisyal na kandidato ang naghain ng certificate of candidacy sa simula ng campaign period.

Sa mga national candidates maari na silang opisyal na mangampaniya sa Pebrero 19, samantalang sa Marso 29 naman ang mga lokal na kandidato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?