13

Sep 8, 2021 @ 16:36
By

Comelec magpapraktis ng botohan online

Magsasagawa ng test run ng unang internet voting ang Comelec mula September 11 hanggang September 13.

Sa virtual briefing, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na magsisimula ang test run ng alas-8 ng umaga sa September 11 at matatapos sa kaparehong oras sa September 13.

Ipo-post ang voting list sa official Facebook page ng Office for Overseas Voting.

Ani Comelec Commissioner Rowena Guanzon, walang binayaran ang poll body para sa test run kabalikat ang US-based technology supplier na Voatz.

Dagdag niya, dahil sa pandemya, naipakita na kakailanganin ang mobile app voting sa hinaharap.

“As you know, Congress has to pass a law to make this possible. But if this project test is successful, I have no doubt that the senators and the congressmen and congresswomen, will fully support the mobile app voting in the future,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?