Comelec Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
By

Comelec, mag-iimprenta ng dagdag na balota

Sharing is caring!

Maglalabas ng karagdagang balota ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mayo 14, 2018.

Sa tatlong-pahinang Comelec Resolution, sinabing gagamitin pa rin sa nalalapit na botohan ang mga balota, accountable at non-accountable forms, na nauna nang naimprenta ngunit ipinagpaliban ang BSKE na dapat sana’y noong Oktubre 23, 2017.

Ayon sa Comelec, aabot sa P312.62 milyon ang nagastos sa pagpapaimprenta ng balota para sa National Capital Region, Luzon at Visayas noong nakalipas na taon.

Kaya para hindi umano masayang ang pera ng gobyerno, nagpasya ang Comelec En Banc na gamitin pa rin ang nalimbag nang mga balota sa eleksiyon sa Mayo.

Pero dahil nadagdagan ang mga botante nang muling magdaos ang Comelec ng continuing registration noong Nobyembre, nangangailangan na mag-imprenta ng karagdagang balota.

Ang mga dagdag na balota para sa NCR, Luzon at Visayas ay gagamit ng October 23, 2017 na petsa ng eleksiyon para maiwasan ang pagkalito habang ang mga balota naman para sa Mindanao ay iimprentahan ng Mayp 14, 2018 na petsa ng eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?