149

Jan 4, 2022 @ 21:37
By

Comelec ipalalabas DQ hearing vs Marcos Jr.

Ila-livestream ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang preliminary conference ng inihaing disqualification (DQ) petition ng Akbayan laban kay presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

“Jan 7 at 9AM will be on @Comelec FB livestream and on my public page Rowena V Guanzon,” pahayag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twitter nitong Martes.

Ani Guanzon, ito ang unang pagdinig nila na ila-livestream upang malaman ng publiko na magiging patas ang komisyon at ibabatay ang magiging desisyon sa batas at ebidensiya.

Nagbabala siya na sinumang gagambala sa hearing ay idedeklarang “in contempt” at ikukulong sa Manila Jail ng dalawang araw.

Gaganapin ang preliminary conference para sa Marcos DQ case sa Comelec session hall sa Intramuros, Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?