924
voter id
Jun 19, 2018 @ 13:17
By

Comelec, hindi na mag-iisyu ng voter’s ID

Nag-abiso na ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na hindi na ito magpapalabas ng voter’s ID para sa mga botante.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, dahil umano ito sa nalalapit na pagsasabatas ng National ID system.

Aniya, noong 2012 pa tumigil ang Comelec sa pag-imprenta ng voter’s ID.

Sabi pa nito, maaari naman umanong makakuha ng voter certificate na magpapatunay ng kanilang pagiging rehistradong botante sa lokal na opisina ng Comelec kung saan nakarehistro ang isang botante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?