72

By

Comelec hinahunting ang mga maling campaign poster, tarpaulin

Nagsimula nang mag-ikot ang monitoring team na binuo ng Commission on Elections (Comelec) para idokumento ang mga poster at tarpaulin ng mga national candidate.

Nagtapos na ang tatlong araw na palugit na ibinigay ng Comelec sa lahat ng kandidato sa national position para baklasin ang kanilang mga poster at tarpaulin na hindi naaayon sa campaign policy.

Layunin ng kanilang pag-ikot na matukoy kung sino-sino sa mga senatoriable at mga party-list group ang hindi susunod sa tamang sukat ng campaign material at kung nakakabit ba sa hindi common poster area na isang paglabag sa Omnibus Election Code.

Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez na posibleng makasuhan ang sinumang kandidato na mapapatunayang may paglabag sa tamang paggamit ng campaign material.

Kabilang sa mga unang lugar na iikutan ngayong araw ay Intramuros, Avenida Rizal, C.M.Recto, Tondo, C-3 Road, Del Monte Avenue, Frisco, Roosevelt Avenue, EDSA, Taft Avenue, Sta.Ana, Pandacan, Pasay, NLEX at SLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?