67
Comelec, handa sa epekto ng El Niño sa eleksyon
Mar 13, 2019 @ 19:21
By

Comelec, handa sa epekto ng El Niño sa eleksyon

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na nakahanda na ito sa maaaring maging epekto ng El Niño sa eleksyon sakaling numipis ang supply ng mga planta ng kuryente sa bansa.

Ayon sa Comelec, ipaprayoridad ng mga power supplier ang pagbibigay ng sapat na supply ng kuryente sa mga polling center.

Sinabi ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez, nagkaroon na sila ng dayalogo sa mga power producer para mailatag ang kanilang mga contingency plan para hindi mabalam ang kabuuang proseso ng halalan.

Sinabi ni Jimenez na bukod sa nakadisenyo ang mga gagamiting Vote Counting Machines (VCM) sa pangmatagalang gamit nito, may mga nakahanda rin silang generators na available sakaling magkaroon ng malawakang brownout.

Nangako na rin aniya ang mga power supplier na bibigyang prayoridad ang mga polling places na mawawalan ng supply ng kuryente.

Nais ng Comelec na makakuha ng maagang impormasyon sa mga power producer sakaling maging manipis ang supply ng kuryente o humantong sa brownout ang sitwasyon para maaga din nilang maipwesto ang mga generator sa mga apektadong lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?