19

Jan 12, 2022 @ 12:39
By

Comelec hacking pinasisiyasat ng Bayan Muna

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Bayan Muna party-list upang paimbesigahan sa Kamara de Representantes ang napaulat na hacking ng server ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, maaaring magkaroon ng malaking implikasyon sa halalan ang pangyayari kaya hindi ito dapat na ipagwalang-bahala na lamang ng Kamara.

“The credibility of the coming elections will be put into question if this issue is not swiftly, independently and efficiently probed and addressed,” sabi ni Zarate.

Sa House Resolution 2434, sinabi nina Zarate, Representatives Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat na hindi maaaring hayaan na lamang na ang gumawa ng ulat ang siyang magbigay ng patunay na totoo ang pangyayari.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi nito na nakakuha ng mga sensitibong impormasyon ang mga hacker gaya ng impormasyon ng mga botante, user account ng mga tauhan ng Comelec personnel, username at PINS ng vote counting machines at iba pa.

Sinabi ng Comelec na ang sinasabing nanakaw na impormasyon ay wala pa sa kanilang server.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?