79

Oct 2, 2017 @ 14:10

Comelec gun ban, tuloy-tuloy lang – PNP chief

Hanggat hindi naisasabatas ang pagkansela ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections, tuloy lang ang pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa, ayon kay Philippine National Police Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Ibig sabihin kahit may permit to carry firerarms outside residence o PTCFOR ang isang gun owner, wala umano itong bisa.

Maari lamang aniya magdala ng baril ang isang sibilyan kung may permit ito mula sa Comelec.

Sabi ni Dela Rosa, ang mga pulis at sundalo naman, maari lamang silang magbitbit ng baril kung sila ay naka-uniporme at naka-duty.

Pero kung sila ay nakasibilyan at may bitbit na baril ito ay paglabag na dapat ay maaresto.

Pinairal ng Commission on Election ang gun ban nitong hatinggabi ng October 1 sa buong bansa na may kaugnayan sa gaganaping Sanggunian Kabataan at Barangay Election. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?