54

Feb 22, 2019 @ 17:06
By

Comelec: Gov’t officials na ‘epal’ sa kampanya, huwag pasahurin!

Hindi dapat makatanggap ng suweldo ang mga opisyal ng gobyerno na sumasama sa mga kampanya.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, kapag nangangampanya para sa kaalyadong kandidato ang isang appointive official, nangangahulugan ito na hindi niya ginagampanan ang kanyang regular duties.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng pagpapalabas ng campaign ads sa mga TV screen sa mga paliparan sa mga lalawigan.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, inabisuhan na sila ng CAAP hinggil sa pag-isyu nito ng memorandum sa pamunuan ng mga airport hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa political posters o campaign materials sa mga paliparan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?