11
comelec1
By

Comelec dinagsa ng humabol sa deadline ng SOCE

Sharing is caring!

Dagsa ang mga humabol sa huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw, June 13, 2018.

Ang mga nagsumite ng SOCE ay ang mga kumandidato sa nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong May 14, 2018.

Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, base sa ulat na kanilang natanggap mula sa mga field office ng COMELEC ay nabatid na malaking bilang ng mga kumandidato ang nagsumite ng SOCE.

Nauna nang inanunsyo ng COMELEC na hindi na nila palalawigin ang petsa para sa pagsusumite ng SOCE.

Paliwanag ni Jimenez, ang mga nabigong
makahabol sa pagsusumite ng SOCE ay hindi iisyuhan ng Certificate of Compliance na kailangan namang isumite sa mga otoridad ng mga nagwaging kandidato bago sila magsimulang manungkulan.

Sunod namang susuriin ng COMELEC kung nakatalima ba ang mga kandidato sa campaign spending limit na limang piso kada botante.

Babala ng COMELEC, ang mga gumastos nang sobra sa pangangampanya ay mahaharap sa reklamong disqualification.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?