abante-tnt-vismin-sheriff-abas
By

Comelec Chairman Sheriff Abas, lusot na sa CA

Sharing is caring!

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga ng Malacañang kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Abas.

Ito ay matapos ang unang beses lang na pagsalang ni Abas kaninang umaga sa committee hearing ng CA kung saan walang tumutol sa kanyang kumpirmasyon.

Manunungkulan si Abas bilang Comelec chairman hanggang Pebrero 2, 2022.

Pupunuan niya ang termino na naiwan ni dating Comelec Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa posisyon dahil sa kinaharap na mga reklamong katiwalian.

Si Abas ay tatlong taon na naging commissioner ng Comelec.

Siya ang kauna-unahang Muslim at unang taga-Mindanao sa kaniyang posisyon.

Pinakabata rin ito na naging chairman ng komisyon dahil ito ay 39-anyos lamang.

Si Abas ay dating law professor, nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Davao University kung saan nag-aral si Pangulong Rodrigo Duterte at pamangkin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief peace negotiator Mohagher Iqbal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?