105

Mar 29, 2020 @ 14:38
By

Comelec chairman Rowena Guanzon bad trip sa BDO

Disyamado si Commission on Elections (Comelec ) chairman Rowena Guanzon sa BDO matapos tawagan umano ang kanyang kapatid na doctor na hindi ito maaaring pumasok sa naturang bangko dahil kabilang sa persons under investigation (PUI) ang komisyuner.

“BDO called my doctor brother that he cannot enter the bank because I am a PUI . What?! Doc can enter the hospital and treat patients but cannot enter BDO? Ignoramuses . PKT xxx kamo tanan . I will withdraw my money from BDO after this crisis,” banta ng opisyal sa kanyang Twitter account.

Hindi naman malinaw kung aling sangay ng bangko ang tinutukoy ng opisyal.
Inamin ni Guanzon na nagpa-test siya sa COVID-19 noong Huwebes.

“I am coughing and came in contact with a person who tested positive,” sabi ng opisyal sa isang interview.

Inamin ng 62-anyos na si Guanzon na naka- home quarantine siya muli ng 14 araw.

Nagsimula umano siyang self-quarantine nang dumating mula sa Bacolod noong March 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?