14

Nov 25, 2021 @ 16:21
By

Comelec: Botante sa 2022 lagpas 65M

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 65.5 milyon ang mga botante para sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sa kabuuang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante ay 8,147,080 ang nadagdag sa bilang ng mga boboto.

“As of today, the projected number of voters for 2022 stands at 65.5 million. Throughout the entire registration process, we added to the list of voters a total of 8,147,080,” ani Jimenez ngayong Huwebes.

Sa bilang ng mga bagong botante, kalahati nito ang mga edad 18 hanggang 21.

Gaganapin sa Mayo 9, 2022 ang halalan.

Noong 2016 presidential elections, mahigit 55 milyon ang rehistradong botante at lagpas 43 milyon ang bumoto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?