18

Nov 10, 2021 @ 18:02
By

Comelec: Bagong botante pumalo sa 5M

Umabot sa 5,017,267 ang mga bagong botante na nagparehistro para makaboto sa 2022 elections, ayon sa Election Registration Board ng Commission on Elections (Comelec).

Sa press briefing, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na maaari pa itong madagdagan dahil as of October 18 pa lang ito.

Kaya tinawag niyang tagumpay ang pagpapalawig sa voter registration mula Oct. 11 hanggang Oct. 30.

Sa ngayon, ayon kay Jimenez, nasa 61,999,327 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?