30

Nov 19, 2021 @ 19:04
By

Comelec: Adik na kandidato hindi puwedeng i-disqualify

Hindi maaaring gawing batayan ang paggamit ng droga ng isang kandidato para ma-disqualify ito sa pagtakbo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Kasunod ito ng pasabog ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi kung saan isang presidential candidate umano ang gumagamit ng cocaine.

“Substance abuse is not among the disqualifications provided for by law,” lahad ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

“In any case, the Comelec did try to require candidates to submit a negative drug test several elections ago,” dagdag ni Jimenez.

Sabi pa ni Jimenez, nauna nang tinabla ng Supreme Court ang mandatory drug test sa mga kandidato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?