29
carlos-isagani-zarate
Jan 11, 2022 @ 15:07
By

‘ComeLeaks Version 2?’ Bayan Muna nabahala sa hacking sa Comelec

Ikinabahala ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang napaulat na hacking umano sa server ng Commission on Elections (Comelec) noong Sabado.

Ayon kay Zarate, dapat agad na maimbestigahan ang pangyayari upang matukoy kung totoo na nakapag-download ng mga mahahalagang impormasyon ang hacker na maaaring makaapekto sa halalan sa Mayo.

“Is this ComeLeaks Version 2? This is a deja vu that we dread, if indeed this is true, as this may compromise the integrity of the May 9 national and local elections,” sabi ni Zarate.

Ayon sa ulat, naganap ang hacking noong Enero 8 at kabilang umano sa nakuha ang username at PIN ng mga vote-counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.

“This is a very serious matter and Congress should also investigate this latest hacking incident that allegedly hit Comelec. The credibility of the coming elections will be put into question if this issue is not swiftly, independently and efficiently probed and addressed,” dagdag pa ng solon.

Ayon kay Zarate, ang pangyayari ay mukhang gaya ng nangyari noong 2016 o maaari ring ginawa upang sirain ang kredibilidad ng Comelec para sa isang no election scenario.

“Just like the Omicron Covid19 variant, this is no simple matter to be dismissed just as easily. There are many questions that need to be answered as well as the technical aspect of the supposed hacking and the extent of the data that the hackers were able to compromise,” giit ni Zarate. (Billy Begas)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?