40

Jan 10, 2022 @ 10:58
By

Comedian Bob Saget natagpuang patay sa hotel

Natagpuang patay sa loob ng isang hotel room ang American comedian na si Bob Saget ngayong Linggo (oras sa Pilipinas).

Si Saget ay pumanaw sa edad na 65.

Ayon sa ulat ng Sheriff Department ng Orange County sa Orlando, natagpuan na lamang nilang wala ng buhay si Saget sa loob ng isang kwarto sa Ritz-Carlton hotel.

“Earlier today, deputies were called to the Ritz-Carlton Orlando, Grande Lakes for a call about an unresponsive man in a hotel room. The man was identified as Robert Saget & pronounced deceased on scene,” saad sa ulat ng Sheriff Department.

Hindi rin umano nakakita ng anumang senyales ng foul play o paggamit ng droga sa loob ng kwarto kung saan nakita ang katawan ni Saget.

Gayunman, hindi pa nilalabas ang eksaktong dahilan ng kanyang pagpanaw.

Nakilala si Saget sa pagganap bilang Danny Tanner sa sitcom na Full House, at naging host din siya ng America’s Funniest Home Videos mula 1989 hanggang 1997. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?