32

Jun 25, 2021 @ 18:00
By

Comeback song ni Ed Sheeran pinag-usapan

Trending sa Twitter ang pagbabalik ni British singer Ed Sheeran.

Pinag-usapan ng mga netizen ang bago niyang music video para sa kanyang comeback single “Bad Habits”.

Kakaibang Sheeran ang nasilayan sa MV na blonde hair, nakasuot ng pink suit at may mga pangil.

Huling project ni Sheeran ay dalawang taon na ang nakalipas kung saan naka-collaborate niya ang ilang singer na sina Camila Cabello at Justin Bieber.

Mayroon nang mahigit isang milyong views sa YouTube ang “Bad Habits” ilang oras pa lamang matapos itong i-release nitong Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?