37

Oct 17, 2021 @ 22:05

Comeback is real? Alwyn may ‘second chance’ kay Jennica

Pakilig si Alwyn Uytingco sa kanyang Facebook post ngayong Linggo kung saan ibinahagi niya ang larawan nila ng asawang si Jennica Garcia na may kasama pang sweet message na tila nagpapabatid na nagkabalikan na sila.

“When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace,” saad ni Alwyn. “I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance. Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life. And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it’s impossible to achieve if I rely on my strength alone.”

Tinadtad din ni Alwyn ng pasasalamat ang asawa sa binigay nitong panibagong pagkakataon sa kanilang pagsasama.

“Thank you, mahal, for not quitting on me. Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all,” wika pa ni Alwyn.

“I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you.”

Nitong Mayo lamang ay inamin ni Jennica na naghiwalay sila ni Alwyn, ngunit sa mga nakaraang mga social media post ay nagpapahiwatig ang aktor ng paghingi ng tawad sa asawa.

Sina Alwyn at Jennica ay ikinasal noong 2014 at may dalawang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?