53

Nov 6, 2019 @ 8:57
By

Comboy ikakampay ang Tams

Laro mamaya:
(Smart Araneta Coliseum)
4:00 pm – FEU vs UST

Isa sa aasahan si Wendell Comboy ng Far Eastern Tamaraws para maiwaksi ang Santo Tomas Growling Tigers sa UAAP season 82 men’s basketball tournament 2019 stepladder semis knockout game one ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.
Krusyal ang magiging tapatan ng dalawang panig – No. 3 USTe at no. 4 FEU — sa alas-4 ng hapon kung saan ang winner ang hahamon sa stepladder two kontra second seed at mat twice-to-beat edge UP Fighting Maroons
Pinataob ng Tams sa huling laban sa elims ang UE Red Warrios nitong Oktubre 27, 82-58, para papasok sa laban bitbit ang three-game winning streak, kumpara sa Tigers na galing lang sa isang panalo
Hinenete ni graduating Comboy ang Morayta-based hoopsters sa 17 points at 4 rebounds kasabwat sina Royce Alforque at Ken Tuffin na mga may 13 at 12 markers.
Sorepsa man sa lahat ang pagpalaot sa Final Four, ‘di pa rito kuntento ang FEU, ayon kay Rodericko Cesar ‘Olsen’ Racela.

“We’re not done yet. Our goal every year is really to make it to the final four then we move on to the next goal. We’ve achieved our first goal, and next goal na kami,” bigkas ng Tams coach.
Sinara ng magkabilang teams ang elims sa 8-6 win-loss mark. Pero nakaungos sa rankings angTams via superior quotient.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?