37

Oct 23, 2017 @ 16:12

Combat operation sa Marawi, itinigil na

Nagdeklara na si Defense Sec. Delfin Lorenzana ng termination of all combat operation sa lungsod matapos ang ika-54 na araw na giyera sa lungsod ng Marawi.

Sinabi ni Sec. Lorenzana sa kanyang pahayag na dahil sa suporta ng mga Filipino ay nasupil na ng tropa ng pamahalaan ang mga terorista.

Kung matatandaan, nitong nakalipas na araw ng Martes ay inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  declaration of liberation ng Marawi matapos na mapatay ang dalawang lider ng mga terorista na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Sinabi naman ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, na ang ibig sabihin ng termination of combat operation sa Marawi ay hindi na magsasagawa  ng offensive attack ang mga sundalo sa lungsod.

Pero sakali aniyang magpaputok pa ang mga natitira o mga nagtatagong Maute ISIS members ay hindi sila magdadalawang-isip na magsagawa muli ng pag-atake.

Sa huling datos naman ng Armed Forces of the Philippines, umabot na sa 920 ang napapatay na Maute ISIS members habang 1,780 ang nailigtas na mga sibilyan.

Kinumpirma rin ni Brawner na may isang sundalo ang pinugutan at isa ang sinunog sa huling pag-atake ng militar sa Marawi City kagabi.

Sa ngayon aabot na sa 165 na mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?