Arestado ang isang graphic artist at kasabwat na rider matapos mabuking sa pamemeke ng health certificate at travel pass na ipinagawa ng isang pulis, Biyernes ng hapon sa loob ng Greenhills Shopping Center, Greenhills, San Juan City.
Columnist: Vick Aquino
92.3% estudyante naka-enroll na
Umabot na sa 22.23 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll sa public at private schools para sa darating na pasukan ng klase sa August 24, lampas sa 80% na nakapag-enroll nang nakaraang school year 2019-2020.
2 huli sa P1.3M shabu sa North Cotabato
Nalambat ng pulisya ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhanan ng P1.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.
Maria Ressa naghain ng not guilty sa tax evasion
Naghain ng not guilty plea si Maria Ressa laban sa kinahaharap na ikalimang tax evasion charge sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) kaninang umaga, matapos igiit na harassment lamang ang ginagawa sa kanya.
Lalaki nang-umit ng Spam sa grocery
Kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na lalaki matapos mabuking sa pagnanakaw ng imported na canned goods na spam sa loob ng isang supermarket sa Pasig City kamakalawa.
K to 12 curriculum binawasan ng DepEd
Paiiralin ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs) lamang matapos magdesisyon na bawasan ng 60% ang curriculum units ng K to 12 program mula sa Kindergarten hanggang Grade 12.
Meralco: Meter reading sa konsumo, tapat
Tiniyak ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na eksakto ang kanilang sinaad na meter reading sa mga kumokonsumo ng kuryente, sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na mataas ang dumating na bill ng mga residente habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
SAP distribution sa Taytay, paasa
Mariing inireklamo ng mga residente ang paasang ginagawa sa kanila para mabigyan umano ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay San Juan sa Taytay, Rizal.
Mga sari-sari store sa Taytay, Rizal isinara
Isinara ang lahat ng mga sari-sari store sa bayan ng Taytay, Rizal upang maiwasan umano ang paglabas-labas ng mga residente at hindi na kumalat pa ang coronavirus disease (COVID-19).
Barangay Addition Hills sa Mandaluyong, isasailalim sa total lockdown
Isasailalim sa total lockdown ang Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
NPA leader patay sa pagnanakaw ng pondo ng SAP
Patay ang isang rebeldeng komunista habang nakatakas ang mga kasamahan nito nang makasagupa ang mga sundalo nang tangkaing nakawin ang cash aid mula sa social amelioration program (SAP), Biyernes ng umaga sa Tulunan, North Cotabato.
Taniman ng marijuana ng Abu Sayyaf, nadiskubre
Natagpuan ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 7 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang marijuana plantation ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sitio Mangal-Mangal, Barangay Masjid Punjungan sa Kalingalang Caluang, Sulu.
One of the best! Duque todo-puri sa Marikina COVID testing center
Matapos ang matagal na pagkaantala ng pagpayag ng Department of Health (DOH) na magsimula nang magbigay serbisyo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) Testing Center ng local government unit (LGU) ng Marikina City, nagbigay naman na papuri si (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos ang isinagawang inspeksyon sa testing facility nito, Biyernes ng umaga.
3M mahihirap libre sa singil ng kuryente
Malilibre sa pagbabayad ng kuryente ang nasa tatlong milyong mahihirap na nasa listahan ng “lifeline consumers” na kumukonsumo lamang ng mas mababa sa 50 kilowatts per hour mula Marso hanggang Abril 2020.
Harassment sa mga health worker hindi palalagpasin ng PNP
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa ang lahat ng local police units sa bansa na maglaan na nararapat na tulong at pangalagaan ang lahat ng health workers matapos makatanggap ng report na pangha-haraas sa mga frontliners.
Tanod sa Nueva Ecija timbog sa pagpapakalat ng fake news sa COVID-19
Kinumpirma ni Palayan City, Nueva Ecija Mayor Adrianne Mae “Rianne” Cuevas na isang barangay tanod sa Cabanatuan City ang inaresto ng kanilang pulisya, dahil sa umano’y pagpapakalat nito ng “fake news” na meron ng positibo sa corona virus o COVID 19 sa Palayan City.
Medical City nagkukulang na sa mga health worker
Nababahala na ang pamunuan ng The Medical City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga doktor, nars at medical staff na naisasailalim sa quarantine, matapos i-monitor ang mga dinadalang pasyente na may sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mga Pasig frontliner magba-bike na lang
Hindi na papayagan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagbibiyahe ng mga tricycle para maghatid ng frontline government personnel at health workers sa nakatalagang ospital.
Nograles sa hirit ni Sotto na payagan ang tricycle: Paano ang social distancing?
Tila sinopla ng taga-Malacañang partikular na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagkakaintindi ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa pagpapahintulot niya na makapagbiyahe ang mga tricycle sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine.
Face mask na gawang Taytay, Rizal binida ng mga mananahi
Dahil sa kakapusan ng mga face mask, naisipan ng Taytay local government na isulong ang pagpapatahi ng mga washable face mask para mapunan ang kakulangan ng face mask na magagamit bilang isa sa panlaban sa coronavirus disease (COVID-19).