Tinamaan ng COVID-19 sa PH dagdag ng 2K

Ayon sa Department of Health (DOH), nadagdagan ng 2,048 ang mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ibig sabihin, 496,646 na ang kabuuang dami ng nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas as of January 15. Pangalawang beses pa lang ngayong taon na lumampas ng 2,000 ang single-day infections ng bansa, matapos ang 2,052 […]


Skyway 3 fully operational na

Opisyal nang binuksan ng Department of Public Works and Highways at San Miguel Corporation sa mga motorista ang Skyway Stage 3!


Bata kumain ng adobong palaka, tigok

Sumakabilang-buhay ang isang bata sa General Santos City matapos niyang kumain ng adobong palaka.

Napaulat na sumama ang pakiramdam nitong bata ilang oras matapos kainin ang nasabing ulam na niluto ng kanyang kabarangay.

Hindi na siya nadala sa ospital.

Samantala, naospital naman ang lima pang residente na nakakain din ng adobong palaka at sumama rin ang lagay pagkatapos.


COA: Makati, Cebu pinakamadatung na mga LGU sa bansa

Kinilala ang Makati City bilang pinakamayamang lungsod sa Pilipinas na may tinatayang P233.7 billion worth ng mga asset ayon sa 2019 Annual Financial Report on local government units ng Commission on Audit (COA).


5M Pinoy tuturukan sa Hunyo

Pinaaga ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga Pilipino dahil may presensya na ng bagong COVID-19 variant sa Pilipinas.