Problema sa kuryente sa Olongapo, tatapusin ni Vice Mayor Cortez

Nakatakdang imbitahan sa gaganaping pagpupulong ng Sangguniang Panglunsod ng Olongapo ang representante ng Energy Regulatory Commission o ERC kasabay ang pamunuan ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) para pagpaliwanagin ang mga ito kaugnay sa dami ng batikos at reklamong natatanggap nito sa mga consumer.


Thermal scanner sa Subic Freeport dinagdagan

Pinahayag ng pamunuan ng Law Enforcement Department (LED) ng Subic Metropolitan Authority (SBMA) ang pagdagdag nila ng 10 piraso ng thermal scanner na ginagamit sa lahat ng gate para sa mga motoristang pumapasok sa loob ng Freeport Zone.


Pagdaong ng Chinese cruise ship, atras sa protesta sa Subic

Naging matagumpay ang isinagawang kilos protesta at naipahinto ang posibleng pagdaong ng M/V World Dream mula sa bansang China matapos itong pahintulutan ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para i-tour ang pasahero nito sa loob ng Freeport Zone.


Ex-guard patay sa riding in tandem

Patay ang dating security guard matapos barilin ng dalawang armadong lalake sa loob ng kanyang bakuran sa Barangay Alasasin sa Mariveles, Bataan noong Lunes.


Indian hinabol ng aso, dedo

Dead on arrival na ang isang Indian national matapos maaksidente sa kahabaan ng Barangay Natividad sa San Antonio, Zambales noong Martes.


SEAG cauldron sinindihan na sa Subic

Pinangunahan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairnan and Administrator Wilma Eisma, kasama sina Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Senior Director for Ceremonies and Cultural Events Mike Aguilar, 2015 Gold Medalist Triathletes Ma. Claire Adorna at Nikko Bryan Oreta Huelgas, ang pagsindi ng 30th Southeast Asian (SEA) Games cauldron kaninang umaga.


2 barangay sa QC, magkasunod na nasunog

Mag-asawa, anak natusta sa 3-oras na sunog

Sunog na nang marekober ng mga bombero ang mag-asawa at 2-anyos nilang anak na lalaki nang tupukin ng apoy ang isang tindahan sa kahabaan ng Rizal Avenue, Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City nitong Miyerkoles ng madaling-araw.


P400M proyekto sa Zambales, paiimbestigahan

Dismayado si 2nd District Congresswoman Chery Deloso-Montalla matapos mag-site visit inspection sa ginagawang kalsada na sakop ng Botolan-Capaz Tarlac Road sa bayan ng Botolan, Zambales nitong Lunes ng umaga.


Bangkay nakita sa Gapo falls, bungo lumitaw na

Bangkay nakita sa Gapo falls, bungo lumitaw na

OLONGAPO CITY – Isang naaagnas na bangkay ng lalake na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan malapit sa isang talon sa Barangay Gordon Heights, Huwebes ng umaga, sa lungsod na ito.