Ramirez binaligtad si Panlilio, SBP

Binasag ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang pananahimik sa pag-urong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa men’s basketball competition ng 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.


Caluag balik-Asiad, De Guzman umatras

Bumalik si 2014 Incheon Asiad BMX gold medalist Fil-Am Daniel Patrick Caluag sa delegasyon ng bansa para sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.


Sigaw ng netizens sa Beer-Gins PBA Finals: Moro-Moro!

Sa feeling nilang scripted ang PBA Finals ng 2 sa 3 sister team ng San Miguel Corp. na nagsasabong para sa korona ng Commissioner’s Cup, pinasabog ng mga netizen ang kanilang ngitngit sa nagdaang 2 araw sa socmed.


59-taong tagtuyot sa gold tatapusin ni Acuna, 3 pa

Nakaatang sa balikat ng apat na atleta na tighawin ang tagtuyot sa gold ng Pilipinas kapag nagkaputukan na sa shooting ng 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.


Run for Clean Energy sa Setyembre 16

Magbabalik-lansangan ang libo-libong runners para sa ika-2 edisyon ng PTT Run for Clean Energy 2018 sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippines complex grounds, Pasay City.


596 nag-LSP kahit maulan

SA kabila nang pabugso-bugsong mga ulan nitong weekend, dinayo pa rin ng 596 katao ang tatlong Philippine Sports Commission Laro’t Saya sa Parke 2018 Play and Learn Sports for Free sa magkakaibang playing venue sa Metro Manila.


Calolot 1 sa 4 na nambulaga

NIYANIG ng 4 na kababaihan, sa pangunguna ni Chantal Isabelle Calolot ng Wednesday Group of Runners-Taguig City ang mga lalaking karibal upang mapabilang sa 6 na komopo ng mga titulo sa umarangkada noong Linggo, Hulyo 22 na Maryknoll/Miriam College Alumni Association 2018 BBrave Swim Run For Fun sa MC campus grounds sa Katipunan, Quezon City.


Medina gold sa Vietnam

Tinapos ng Pilipinas ang kampanya sa wakas noong Biyernes ng gabi ng 25th Vietnam Athletics Open 2018 sa Thong Nhat Stadium sa Ho Chi Minh City sa nadaklot pang tig-1 gold at silver medal.


Fil-Jap judoka Takahashi delikadingding sa Asiad

Namemeligrong mabawasan ng lakas, malamang medalya pa, ang delegasyon ng bansa para sa papasok na buwang 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia at baka sa 3rd Summer Youth Olympic Games sa Oktubre sa Buenos Aires, Argentina.


Archer Robles sapol ang HK archery gold

Tumudla ng apat na panalo si Andrea Robles ng Pilipinas upang makopo ang women’s individual compound title sa pumalaso noong Hulyo 21-22 na Interport Indoor Archery Open 2018 sa Hong Kong.


Dela Torre tumalon ng ASG gold

NILUNDAG ni Trexie dela Torre ang pangalawang gold medal ng Pilipinas sa 10th ASEAN School Games 2018 nang mapagtagumpayan ang girls long jump sa National Sports Complex mini-stadium-Bukit Jalil sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.


May sakit ako? Tsismis yan! – Pacquiao

Pinagtawanan at binalewala lang ni newly-crowned World Boxing Association welterweight champion Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao ang kumakalat na balitang may sakit siya bago pa lumaban noong Hulyo 15 sa inagawan ng titulong si Lucas Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur.


Diaz 50-50 sa Asiad gold

Fifty-fifty ang tsansa sa gold medal ni Hidilyn Diaz, wala nang tatlong linggo bago mag-18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.


Lifters Ando, Garcia sikwat ang Poland trip

Magiging pambato ng bansa sina Elreen Ann Ando ng University of Cebu at Rowell Garcia ng University of Zamboanga sa 6th International University Sports Federation 2018 World University Weightlifting Championships sa Biala Podlaska, Poland sa parating na Setyembre 20-23.


Jiu-jiteira Ochoa sumipa ng gold

KUMAKASANG pumang-4 sa 15 naglabo-labong bansa ang pito sa 12 na pambato ng Jiu-Jitsu Federation of the Philippines upang makabalibag ng pitong medalya, tampok ang isang gold sa 3rd Jiu-Jitsu Asian Union 2018 Asian Championships noong Hulyo 10-15 sa Mangystau Arena sa Aktau City (dating Sevchenko), Kazakhstan.


Guce, Piccio, Ardina kontender pa

Sumisinghal pa bilang mga title contender ang tatlong Filipina golfer sa US$200,000 2nd Donald Ross Classic sa The Donald Ross Course at French Link sa Indiana, United States.