Lagyan ng isang nurse ang bawat barangay – Ejercito

Nanawagan si Sen. JV Ejercito sa pamahalaan na ikonsidera ang paglalagay ng kahit isang nurse sa bawat barangay health center sa buong bansa bilang bahagi ng kanyang pagpupursige na matugunan ang problemang pangkalusugan ng mamamayan.