Korte, pinagtibay ang eleksiyon ni Vargas

Nabunutan ng tinik ang bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Victorico Vargas at ang kasama nito bilang chairman na si Abraham “Bambol” Tolentino matapos pagtibayin ng Court of Appeals ang pagiging lehitimo nito sa POC.


abante-tnt-vismin-skateboarders

Skateboarders, walang coach sa Asiad

Walang coach na gagabay at tutulong sa pangangailangan ng tatlo kataong Team Pilipinas skateboarders na sasabak sa 18th Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia.


Batang Pinoy venues sa Baguio City, aprubado

Wala nang problema matapos aprubahan at makapasa ang kabuuang 23 playing venues na gagamitin para sa national finals ng Batang Pinoy kasunod ng isinasagawang inspeksiyon ng Philippine Sports Commission (PSC) sa paggaganapang Baguio City.


Abante-TnT-Kulang-kulang-300-atleta-magpapayanig-sa-2018-Asian-Games

Asian Games delegation wala pang uniporme

Nasa 41 araw na lamang para sa pagsisimula ng 18th Asian Games na gagawin sa Palembang at Jakarta sa Indonesia subalit wala pang malinaw na direksiyon hinggil sa isusuot na uniporme, kasuotan sa pagparada at mismo sa allowances at gagastusin ng pambansang delegasyon sa torneo na sisimulan Agosto 18 hanggang Setyembre 2.


Skateboarder Didal, sasabak sa X Games

SASABAK ang 18th Asian Games bound sa skateboarding na si Margielyn Arda Didal sa popular at dinarayo sa buong mundo na X Games na gaganapin sa Minneapolis, Minnesota, U.S.A.


Salamat, Barba out sa Asiad

TULUYANG hinubad ni Marella Vania Salamat ang pagsusuot ng uniporme at bandila ng Pilipinas matapos magpasya na hindi na makakasama sa Philippine Cycling team na sasabak sa 18th Asian Games na gaganapin sa Palembang at Jakarta, Indonesia simula Agosto 18 hanggang Setyembre 2.


3X3 squad, lumpo agad sa Asiad

Hindi pa man nakapaglaro ay bigo na ang Pilipinas matapos magdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na hindi na ipadala ang 3X3 men’s basketball team at ‘di pa rin napipinalisa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pinal na listahan ng delegasyon ng bansa na sasabak sa 18th Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia sa Agosto.


Pinoy diver humakot ng 2 gold

Agad na nagpakitang-gilas ang bagong buo na Philippine Diving Team sa pamumuno ni dating national diver Nino Carog sa paghakot ng medalya sa 9th Singapore National Diving Championships simula Hunyo 29-Hulyo 1 sa OCBC Aquatic Center sa Singapore.


Cray, aprub na sa Asian Games

MULING nakumpleto at maituturing nang solido at palaban ang miyembro ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pagpayag nitong makasama sa pambansang koponan ang Rio de Janeiro Olympian at Southeast Asian Games gold medalist na si Eric Shawn Cray na sasabak sa 18th Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia.


Kai Sotto poposte sa Batang Gilas

MASUSUBOK ang tatag ng 34th world ranked Batang Gilas Pilipinas sa unang pagsagupa sa 10th ranked Croatia sa group play ng 2018 FIBA U17 World Cup sa Hunyo 30-Hulyo 8 sa Rosario at Santa Fe sa Argentina.


Puentevella asar kay Goma, lifters hinarang sa Asiad

Hindi pa nga nakakasiguro kung makakahakot ng gold medal sa 18th Asian Games ay nagsimula na agad ang angasan sa pagitan ng mga opisyales ng mga national sports associations (NSA) at ang liderato ng Philippine Olympic Committee (POC).


Obstacle races, tampok sa Olympic Day

Magkakasukatan ng lakas ang mga sports officials at atleta sa isang araw ng pagpapakita ng pisikal na aktibidad ulit sa isang masayang aktibidad na puno ng friendly competition sa selebrasyon ng Olympic Day sa Hunyo 30 sa track and field oval ng Philsports Complex sa Pasig City.


Fernandez, acting chairman ng PSC

Pinirmahan na ng Palasyo ng Malakanyang ang importanteng appointment paper na magtatalaga kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez bilang acting chairman ng naturang ahensiya.


batang-gilas1

Mascariñas, Oliver, Sotto sa Batang Gilas target ang Olimpiyada!

Asam ni Batang Gilas patron at Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas na matagal pagsama-samahin at panatilihin ang kinukunsiderang pinakamalakas na komposisyon ng pinakabatang pambansang koponan na nakatakdang sumabak sa Fiba Under-17 Basketball World Cup sa Rosario at Sante Fe, Argentina.


PSC, Gomez magdidiskusyon sa Asian

Makikipagpulong si Ormoc City Mayor at Philippine delegation chef de mission to 18th Asian Games Richard Gomez sa mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC) sa darating na Lunes, June 18, upang pag-usapan ang mga paraan upang mapondohan ang mga atleta at coaches na sasabak sa kada apat na taong torneo na gaganapin simula sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang at Jakarta, Indonesia.