COVID case sa `Pinas higit 56K na – DOH

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) na hindi sila nakapaglabas ng update hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong araw ng Linggo, Hulyo 12, dahil sa malaking volume ng mga datos na pumasok sa kanila mula sa ibat ibang local government units (LGU).


PGH sa mga COVID survivor: Mag-donate ng plasma para makatulong

Muling nanawagan ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga survivor ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mag-donate ng convalescent plasma na ginagamit nila upang makatulong sa posibleng paggaling ng mga pasyenteng dinapuan ng virus na SARS-COV-2.


Ambush sa chief fiscal: MPD nganga pa sa mga killer

Bigo pa ang Manila Police District (MPD) na makilala ang mga sakay ng sport utility vehicle (SUV) na ginamit ng mga suspek sa pananambang kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan, Paco nitong Martes.


COVID-19 `airborne’ wala pang ebidensiya – DOH

Wala pa umanong sapat na ebidensiya para suportahan ang report ng may 200 scientists na nagbabala na ang novel coronavirus ay maaring makahawa sa pamamagitan ng “tiny airborne particles” na sumasàma sa hangin.


Balik misa sa simbahan pinayagan

Kinumpirma ng isang obispo ng Simbahang Katolika na puspusan na ang kanilang paghahanda sa inaasahang mupagbabalik sa mga simbahan ng mga mananampalataya simula ngayong Hulyo 10, Biyernes.


Cynthia Villar inokray sa drinowing na `event’

Muling umani ng panlalait mula sa mga netizen si Senador Cynthia Villar at sa pagkakataong ito dahil naman sa photoshopped image ng mambabatas para palabasin na dumalo ito sa isang turnover ceremony ng kagamitan para sa isang laboratoryo sa Las Piñas City.


UN kay Duterte: ‘Wag lagdaan anti-terror bill

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na huwag lagdaan para maging batas ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill .


NBI magiimbestiga sa pagkamatay ng 4 sundalo

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na umanong engkuwentro sa pagitan ng ilang pulis at sundalo sa Sulu na nagresulta sa pagkamatay ng apat na military intelligence officer.