Itinutulak sa Kamara ni Presidential son at Deputy Speaker for Political Affairs Paolo Duterte ang pagkakaroon ng disenteng minimum wage para sa mga nars na nagtatrabaho sa pribadong ospital, na kayang tapatan ang sahod ng mga Pinoy nars na nagtatrabaho abroad.
Columnist: John Carlo Cahinhinan
Deputy speakership tinanggihan ni Velasco
MANILA – Nais munang bumalik ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang chairman ng House Energy Committee habang ginugugol ang susunod na 15 buwan bago umupong Speaker ng Kamara sa susunod na taon.
Cardema astang congressman na kahit wala pang desisyon sa substitution case
MANILA – Tila ba astang kongresista na itong dating National Youth Comission (NYC) chairman Ronald Cardema kahit hindi pa pinapahintulutan ng COMELEC ang kanyang petisyon mara maging substitute nominee ng Duterte Youth Partylist.
Alvarez minaliit ang kasong pandarambong na sinampa ng dating aide
DAVAO CITY – Minaliit lamang ni dating House Speaker at reelectionist Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang patong-patong na kasong criminal at administratibo na isinampa ng dati niyang aide dahil sa umano’y iligal na pagkamal ng kongresista ng bilyong pisong halaga ng salapi at ari-arian mula 2016 hanggang sa taong kasalukuyan.
Tolentino: Pagbabalik ng bitay, gagawa ng ‘chilling effect’ sa mga mandarambong, drug lord
Malaki ang paniniwala ni administration senatorial bet Francis Tolentino na gagawa ng ‘chilling effect’ sa mga gustong gumawa ng kalokohan ang pagbabalik ng parusang bitay para sa mga krimen na may kinalaman sa pandarambong at iligal na droga.
Tolentino: Maynilad, Manila Water bigo sa kanila tungkulin sa Manila Bay
Naniniwala si administration senatorial bet na si Francis Tolentino na bigo ang dalawang pinakamalaking water concessionaire sa bansa sa obligasyon nitong gawing malinis ang tubig na dumadaloy sa mga estero papuntang Manila Bay.
Tanaw utang na loob: Pacquiao todo-suporta, endorso kay Tolentino
CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Hinding-hindi pa rin nalilimutan ni eight-division champion Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang kabutihang ginawa sa kanya ni administration senatorial bet Francis Tolentino noong siya’y nag-uumpisa pa lamang sa mundo ng boksing.
Mga manok ng Duterte admin, posibleng pondohan ng China – Alejano
Nagbabala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa posibilidad ng pagpasok ng pera mula sa bansang Tsina upang pondohan ang mga manok ng administrasyong Duterte para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Babala ni Romero: Solar firm ni Leviste, lilikha ng dambuhalang monopolyo
MANILA – Nagbabala si 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na lilikha ng isang dambulahang monopolyo sa sektor ng enerhiya ang Solar Para sa Bayan Corporation (SBPC) kung papayagan ng Kongreso ang kanilang legislative franchise application.
Liderato ng Kamara, tutol sa aplikasyon ng prangkisa ng SBPC
Haharangin umano ng liderato ng Kamara ang pambabraso ng ilang mambabatas para ipasa sa panukalang pagbibigay ng legislative franchise sa Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC).
Mga alipores ni Legarda doble-kayod sa panggagapang para sa solar franchise ng anak
Doble-kayod umano ang mga emisaryo ni Senate Finance Committee chair Loren Legarda sa pangangalap ng suporta sa Kamara para maipasa ang prangkisa ng solar company na pagmamay-ari ng kanyang anak.
Mga bandila ng China, takaw-mata sa loob ng Kamara
Takaw-pasin nitong Lunes (ika-10 ng Setyembre) ang mga watawat ng bansang Tsina na bumabandera sa loob ng Batasan Complex kasabay ng pagbisita ng isang mataas na opisyal ng Chinese Communist Party (CCP).
Roque hindi ganap na kasapi ng PDP
MANILA — Imbes na umangal matapos malaman na siya’y hindi pala ganap na kasapi sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dapat na lang umanong magpasalamat si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa kanyang pagkakasama sa final shortlist ng mga posibleng manukin ng partido ng administrasyon para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.