Unang positibo ng COVID-19 sa Bataan, nakarekober na

Masayang ipinahayag ni Bataan Governor Abet Garcia sa kanyang social media page patungkol sa ipinalabas na datos ng management ng Bataan Saint Joseph Hospital and Medical Center (BSJHMC) ng pagiging fully recovered ng pasyenteng unang naiulat na nagpositibo sa coronavirus sa lalawigan.