Maliksi ginunaw ang Alaska

Kumayod si Allein Maliksi ng 23 points, 3 rebounds, 2 assists at 1 steal buhat sa bench habang humaging si Allen Durham sa triple-double nang pagsibak agad ng Meralco ang Alaska Milk, 98-94, at sakupin ang unang silya sa semifinals sa pagbubukas ng 44th PBA Governors’ Cup 2019-2020 quarterfinals, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.