Tikas ng Air Force ibinalik ni Cabalsa

Balik sa win column ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers matapos silang akayin ni Jozza Cabalsa laban sa Chef’s Classic Lady Red Spikers, 25-15, 25-17, 25-20, sa ikalawang laban ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kagabi sa FilOil Flying V Centre.


Pablo sa mga fan: Sprain lang ito!

Pablo, Motolite winalis ang Pacific Town Army

Kumapit ang Motolite Power Builders sa No. 3 spot ng team standings matapos silang akbayan nina Myla Pablo at Diana Carlos sa 25-21, 25-23, 25-14 panalo kontra Pacific Town-Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


NCAA: Benilde panalo pero laglag sa ‘Magic 4’

Humarurot si Yankie Haruna ng 13 points upang akbayan ang College of Saint Benilde Blazers sa 68-62 panalo laban sa Mapua Cardinal sa ikalawang laban ng NCAA 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.


Bulanadi sumabog ng 44 pts vs Altas

Swak sa No.4 spot ang San Sebastian College Stags matapos silang akbayan nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan sa 99-95 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre.


Mau pabibo, F2 kampeon; hinakbangan ang Petron

Kinapitan ng F2 Logistics Cargo Movers si Filipino-American Tyler Marie Kalei Mau upang hablutin ang mahirap na five sets win, 25-22, 25-19, 17-25, 22-25, 15-12 laban sa Petron Blaze Spikers sa sudden-death finals ng 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


18-0 sa elimination: Tankoua, Beda diretso sa 95th NCAA Finals

Diretso na ang defending champion San Beda University (SBU) Red Lions sa championship round matapos kalusin ang Lyceum of the Philippines Pirates, 85-62, sa patapos nang eliminasyon ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament kagabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Doria, Cignal bronze sa PSL Invitational

Nasilo ng Cignal HD Spikers ang bronze medal matapos silang akbayan ni Roselyn Doria laban sa Foton Tornadoes, 25-22, 25-15, 25-17, sa battle for third ng Philippine Superliga Invitational Conference kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


NCAA: Muyang, Balanza, Letran matatag sa No. 3

Sinelyuhan ng Letran Knights ang No. 3 spot sa team standings matapos nilang tuhugin ang 87-79 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Mau, F2 abante sa finals

Kinapitan ng F2 Logistics si Fil-Am Tyler Marie Kalei Mau upang pagulungin ang Cignal, 22-25, 25-22, 25-21, 25-21, sa 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 semifinals Lunes ng gabi sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.


Rondina, Petron swak sa championship round

Madaling dinispatsa ng Petron Blaze Spikers ang Foton Tornadoes, 25-17, 25-14, 25-16, matapos silang akbayan ni Cherry Ann Rondina sa semifinals ng Philippine Superliga Invitational Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.


Ilagan, San Sebastian lumapit sa semifinals

Nakatitiyak na ang San Sebastian College Stags sa playoff para sa semifinals matapos silang akbayan nina RK Ilagan at Allyn Bulanadi sa 85-82 panalo laban sa Arellano University Chiefs sa Season 95 ng NCAA men’s basketball tournamentt Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


NCAA: Bonifacio, Mapua humihinga pa

Nagtala ng 15 puntos si Warren Bonifacio upang akbayan ang Mapua Cardinals sa 85-81 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa unang laro ng 95th NCAA men’s basketball tournament, Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Mau, F2 aasinta ng semis kontra Cignal

Sakto ang pagbabalik laro ni Filipino-American Tyler Marie Kalei Mau dahil nahaharap ang F2 Logistics sa sudden-death semifinals sa 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.


Abante Chess Challenge: Joey silat sa UMak coach

Sa 25 woodpushers na sabay-sabay hinarap ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., tanging si University of Makati chess coach Clark dela Torre ang humiya sa 13-time Philippine Open Chess champion.


Palomata, Air Force dinalawahan ang Choco

Buhay pa ang asam ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers na makahirit ng laro sa semifinals matapos kalusin ang Choco Mucho Flying Titans, 20-25, 25-18, 29-27, 26-24, sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Pahirapang panalo sinungkit ni Sisi, Petron

Humugot ng lakas ang Petron Blaze Spikers kay Cherry Ann Rondina upang sikwatin ang mahirap na 25-11, 20-25, 25-22, 25-27, 16-14 panalo kontra Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga Invitational Conference Sabado sa Caloocan Sports Complex.


BaliPure nalunod kina Carlos, Molde

Inakbayan nina Diana Carlos at Isa Molde ang Motolite Power Builders sa 25-16, 25-21, 25-19 panalo laban sa BaliPure Water Defenders Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Puro Asset wagi sa ‘Abante Benefit Race’

Pinadaan ni class B rider JL Paano sa tabing balya si Puro Asset upang sikwatin ang korona sa “ABANTE Benefit Race” Two-Year-Old Maiden Race kahapon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.


Tan, PH bowling palaban sa SEAG

Pangungunahan ni Merwin Tan ang walong Pilipino bowler na kakasa sa 30th Southeast Asian Games 2019 na pagkakabalahan ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.