4Ps siguraduhing maipamamahagi, ayon kay Angara

Iginiit ni Senador Sonny Angara na dapat tiyakin ng gobyerno na walang anumang balakid sa pagpapalabas ng cash benefits para sa mahigit 4 milyong household beneficiary sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.


Mga government website, inatake ng hackers

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na masusing imbestigahan ang pag-atake sa mga government website noong Abril 1.


2019 national budget posibleng idulog ni Lacson sa SC

May posibilidad na dalhin ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Korte Suprema ang usapin sa General Appropriations Act (GAA) 2019 kung hindi ibe-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestiyonableng probisyon.


Libreng internet sa mga terminal, malapit nang maging batas

Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas ang panukala na nagmamandato sa mga transport terminal na magkaroon ng libreng internet services at malinis na comfort rooms para sa mga commuter.


Malampaya fund gamitin na para sa murang kuryente - Gatchalian

Malampaya fund gamitin na para sa murang kuryente – Gatchalian

Nanindigan si Senador Win Gatchalian na magiging malaking ayuda sa pamilyang Filipino kung gagamitin na ng gobyerno ang Malampaya fund upang mabayaran ang utang at contract costs ng National Power Corporation (NPC) sa halip na palawigin ang coverage at lifeline rate subsidy.


Reso ni De Lima na ipatawag si Michael Yang sa Senado, binutata ni Gordon

Reso ni De Lima na ipatawag si Michael Yang sa Senado, binutata ni Gordon

Walang balak si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon na tugunan ang resolusyon ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ang mga isiniwalat ni dating Police Colonel Eduardo Acierto hinggil sa pagkakasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Presidential Adviser Michael Yang.


Kakulangan sa pabahay, aabot ng 12 milyon

Kakulangan sa pabahay, aabot ng 12 milyon

Nagbabala si Senador Sonny Angara na posibleng lumobo sa 12 milyon ang kakulangan ng pabahay sa bansa hanggang sa taong 2030 kung hindi ito agad aaksyunan ng mga kinauukulan.