magdalo-gary-alejano

Mahihirap na naman ang biktima

Hindi maiiwasang mapansin na tila pawang mga maliliit at walang kalaban-labang tao ang pinupuntirya at binibiktima ng peace and order campaign ng administrasyong Duterte. Mapapatanong din tuloy kung mayroon pa bang natitirang pagpapahalaga at malasakit sa taumbayan ang kasalukuyang administrasyon.


magdalo-gary-alejano

Pati sip ng Pinoy pinapasakop sa China

Mukhang hindi pa kuntento ang China sa pagsakop ng ating teritoryo sa West Philippine Sea, pagwasak ng tuluyan sa Scarborough Shoal at harap-harapang pagnanakaw sa mga kababayan nating mangingisda. Ngayon, pinapapasok pa ng administrasyong Duterte ang China para impluwensyahan ang isip ng mga Pilipino.


magdalo-gary-alejano

Ipinagkanulo

Kung mayroon mang pinakamatinding insulto na natanggap ang sambayanang Pilipino sa paggunita nito ng ika-120 anibersaryo ng ating kalayaan, ito ay ang pag-imbita ng Malacañang kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua para samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite kung saan unang iwinagayway ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas bilang deklarasyon ng ating kasarinlan.


magdalo-gary-alejano

Kalayaan sa ilalim ng administrasyong Duterte

Ika-120 taon na ngayon mula nang itaas ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng mahigit tatlong siglo na pananakop ng Espanya. Ngayon, matapos ang 120 na taon, tila muling nanganganib ang ating kalayaan sa kamay ng isa na naman banyagang pwersa.


magdalo-gary-alejano

Boracay Shutdown

Nakikisimpatiya tayo sa humigit-kumulang 36,000 na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Boracay simula sa araw na ito, Abril 26. Ang pagsasara daw ay para sa rehabilitasyon at paglilinis ng isla na kilalang tourist destination sa mundo.


magdalo-gary-alejano

Magdalo

May panahon pa si Pangulong Duterte para ilabas ang mga pangalan ng mga barangay officials na ayon umano sa kanyang listahan ay sangkot sa ilegal na droga. Sa susunod na buwan pa naman ang eleksyon at pasimula pa lang din naman ang kampanya.


magdalo-gary-alejano

Pagkaubos ng NFA Rice

Hindi na nakapagtataka na nagkakaubusan ng NFA rice dahil ang National Food Authority (NFA) ay hindi naman namimili ng palay sa mga magsasaka natin.


magdalo-gary-alejano

Pinaasa at binigo

Naisahan at patuloy na iniisahan ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na bumoto sa kanya noong nakaraang eleksyon sa hindi nito pagtupad sa kanyang mga ipinangako sa taumbayan.


magdalo-gary-alejano

Mga naghahari-harian

Malaman at napapanahon ang naging homily ni Manila Archbishop Cardinal Tagle kamakailan ukol sa “pamamayagpag ng ng mga haring puno ng kayabangan at kapos sa kapakumbabaan”.


magdalo-gary-alejano

Golden Rule

Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo. Ito ang Golden Rule na bata pa lamang ay ipinaaalala na sa atin ng ating mga magulang at guro.


magdalo-gary-alejano

Habulin ang nagsamantala sa TRAIN law

Inamin ng Department of Finance (DOF) na diumano ay mayroong mga nagsasamantalang negosyante sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law kaya tumaas ang presyo ng mga bilihin.