82 video karera dinurog sa Las Piñas

Winasak sa pamamagitan ng backhoe ang may 82 video karera machines na nakumpiska ng mga tauhan ng Las Piñas City Police nitong Lunes ng umaga sa harap mismo ng Las Piñas City Hall.


Lolo nag-asawa ng 2 beses, arestado

Nasakote ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang isang 62-anyos na lolo na sangkot sa kasong bigamy matapos siyang silbihan ng warrant of arrest nitong Sabado ng umaga.


24 sex worker nasagip sa Makati, Pateros

Naaresto ang 24 katao kabilang na ang dalawang bugaw habang 24 babae ang nasagip matapos salakayin ang isang Spa, Cafe at KTV bar na ginagawa umanong prostitution den sa makakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Makati City at Pateros nitong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling- araw.


2 kidnappers tiklo sa Las Piñas

Arestado ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa kidnap for ransom sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Biyernes ng hapon sa lungsod.


Mga ‘habal-habal’ pinaghuhuli ng MMDA

Sinuyod ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Eastern Metro Manila upang hulihin ang mga habal-habal o mga motorsiklong iligal na pumapasada sa mga lansangan.


PH binigyan ng ultimatum ng Taiwan

Nagbanta na ang gobyerno ng Taiwan na ipatutupad nila ang kanilang retaliatory measures sa sandaling hindi alisin ng gobyeno ng Pilipinas ang travel ban kaugnay sa coronavirus.


MMDA: Mga motorcycle taxi rider na wala sa masterlist, huli

Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle taxi rider na hindi nakatala sa master list na isinumite ng Department of Transportation’s Technical Working Group (DOTr-TWG) ng mga kasama sa pilot testing ng pamahalaan.


MMDA: Mga motorcycle taxi rider na wala sa masterlist, huli

Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle taxi rider na hindi nakatala sa master list na isinumite ng Department of Transportation’s Technical Working Group (DOTr-TWG) ng mga kasama sa pilot testing ng pamahalaan.


11 katao sugatan sa aksidente sa Baclaran

Sugatan ang 11 katao habang apat pang sasakyan ang nabangga nang mawalan ng preno ang isang SUV sa harapan ng Baclaran Church, Pebrero 12 ng gabi sa Parañaque City.


Bus driver timbog sa shabu sa Parañaque

Arestado ang isang bus driver makaraang kumagat sa pain ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa Coastal Mall nitong Martes ng hapon sa Parañaque City.


DFA Aseana sarado sa Pebrero 13

DFA Aseana sarado sa Pebrero 13

Isasara sa Pebrero 13 ang tanggapan ng Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana Business Park sa Macapagal Boulevard, Parañaque City.