araneta

Araneta taktak-kalawang, pinatulog ang kalaban!

Pagkatapos ng mahigit isang taon na hindi pagsampa sa ring, pinatunayan ni World Boxing Association (WBA) No. 13 light flyweight Christian “The Bomb” Araneta na may ibubuga pa siya sa lonang parisukat nang patulugin sa ikalawang round si flyweight Ian Ligutan nitong Martes sa Manolo Fortich, Bukidnon.


Recky-Dulay

Recky Dulay, kakasa sa undefeated na Amerikano

Muling sasabak si dating World Boxing Association (WBA) rated super featherweight Recky Dulay ng Pilipinas laban sa walang talong Amerikano na si Genaro Gamez sa Abril 12 sa Fantasy Springs Casino, Indio, California sa United States.


mark-john-yap

Yap susugal kontra Nakajima

Itataya ng nakabase sa Japan na si Mark John Yap ang kanyang OPBF bantamweight title laban kay dating WBC Asian Boxing Council featherweight champion Takafumi Nakajima sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo sa Abril 4.


michael-dasmarinas

IBO 118-pound crown, uupakan ni Dasmarinas

Bagama’t umangat ang kanyang karibal na si Karim Guerfi sa March rankings ng WBC, handa na si No. 13 contender Michael Dasmarinas na kumasa sa kasalukuyang European Boxing Union (EBU) bantamweight champion para sa bakanteng IBO 118-pound title sa Abril 20 sa Singapore City, Singapore.