96

By

Column ng presidente ng VERA Files kontra Duterte inalmahan ng Palasyo

Inakusahan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bias ang batikang journalist at presidente ng VERA Files na si Ellen Tordesillas dahil sa column nitong pinamagatang “Pres’ Sara in 2022 is Duterte’s insurance from ICC arrest when he is out of Malacañang”.

Ayon sa article, kapag naging Pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte ay masisiguro nitong hindi mahaharap sa kaso ng extrajudicial killings ang ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte kapag natapos ang termino.

Matatandaang inakusahan ng International Criminal Court (ICC) si Pangulong Duterte ng krimen laban sa humanity at hanggang sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ng preliminary examination ang ICC para sa alegasyon.

Patuloy umano ang imbestigasyon ng ICC sa kabila ng withdrawal ng Pilipinas bilang miyembro ng tribunal na epektibo na sa Marso.

“There is no need to revise the Constitution to allow Duterte to continue being in power after 2022,” saad ni Tordesillas sa kaniyang article.

“Sara succeeding him in Malacañang will assure Duterte that the ICC won’t be allowed in the country to arrest him when the case progresses to that stage. He would not have to answer for the extra-judicial killings attributed to him,” dagdag pa nito.

Sa pahayag na inilabas ni Panelo, ang opinyon ni Trodesillas ay ‘nonsensical’ dahil wala umanong jurisdiction ang ICC kay Pangulong Duterte at maging sa sino mang Pilipino.

“It is no hidden fact that Ms. Tordesillas as a columnist is a vocal sympathizer of Senator Antonio Trillanes IV and the Magdalo cause and staunch critic of the President and his administration,” saad ni Panelo.

“It is a no brainer that a biased journalist or columnist like Ms. Tordesillas would regularly come up with conjectures inimical to the President. That is what we call black propaganda,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?