Columbian sinasagasaan ang Phoenix

Sharing is caring!

Umiskor ang Columbian ng 42 puntos sa huling 12 minuto ng laro para talunin ang Phoenix Fuelmasters, 105-107.

Namuno sa Columbian ang import na si John Fields na may 29 puntos at 26 rebounds habang may 18 puntos naman si Glen Khobuntin.

Nagdagdag si Jeremy King ng 15 at 10 naman si Ronald Tubid. Nanguna mula sa mench sina Rashaw McCarthy at Eric Camson na may pinagsamang 28 puntos.

Naghabol sa unang tatlong quarters ang Columbian at nabaon pa ng 14 puntos.

Pagsapit sa fourth quarter, sinimulan ng Columbian ang 6-0 blast para idikit ang laban 70-75. Muling nagpakawala ng 8-2 run hanggang maagaw na ang kalamangan at hindi na lumingon pa.

Bumandera sa Phoenix si Eugene Phelps sa kanyang 34 puntos at 22 rebounds habang namuno sa locals si Matthew Wright na may 32 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?