57

Oct 2, 2019 @ 12:03
By

Columbian sandal din sa depensa ni Alston

Babasagin ng NorthPort at Columbian ang pagkakabuhol sa 1-1 sa first game ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Miyerkoles.

Parehong inumpisahan ng Batang Pier at Dyip ang kampanya sa panalo, pero pareho ring kinapos sa pangalawang salang.

Taob ang Dyip sa Rain or Shine 96-90 noong Sept. 22, lunod ang Batang Pier sa defending champion Magnolia 96-80 nitong Biyernes.

“’Di naman sila ganun kadaling talunin,” ani Columbian coach Johnedel Cardel. “Malakas na team ‘yang NorthPort.”

Susi ng Dyip ay pagsabayin ang inside game ni Khapri Alston sa perimeter shooting sabay ng pagbasa sa depensa ng kalaban.

“Kung paano kami nanalo nung una, kailangan may adjustment sa depensa nila,” ani Cardel patungkol sa 117-110 win sa Alaska.

Paniguradong gustong bumawi nina Mychal Ammons at Robert Bolick mula sa malamyang showing kontra Hotshots.

Binulabog ng depensa ng Magnolia si Ammons, nagkasya lang sa 18 points – mababa ng pito sa isinumite sa 99-94 win ng Batang Pier sa Rain or Shine nitong Sept. 20.

Si Bolick ay nadiyeta sa 7 points, mababa ng 13 sa first game output.

Sina dating NorthPort players Lervin Flores at Joseph Gabayni ang itatapat ni Cardel kay Ammons sa paint. Head-to-head naman sina CJ Perez at Bolick.

Kontra Elasto Painters, maagang na-foul trouble si Alston kaya nagkasya lang sa 23 points at 15 rebounds.

“Quick five fouls agad siya kaya di siya naging big factor. Malaking bagay ‘yun,” dagdag ni Cardel. “Kaya sabi ko sa kanya, ‘You have to control yourself dahil ‘yung tawagan ganyan na ‘yun. You have to adjust. Kung hindi mo na kailangan foul-in, huwag na. we need more minutes from you inside the court para manalo.’”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?