126

By

Columbian coach Cardel, may target na sa top pick

May nasisipat nang kunin si Columbian Dyip head coach Johnedel Cardel para sa kanilang 1st overall pick sa parating na PBA Draft.

Ito ay matapos isemento ng koponan ang kanilang posisyon sa draft nang tumapos sa 1-10 kartada sa 2018 PBA Governor’s Cup, dagdag pa ang nakapanlulumo ring standing noong nakalipas na dalawang kumperensya.

“Meron na akong choice. Sa boss na lang namin. After this one week, usap kami kung sino ang kukunin namin. Kailangan ‘yung makakatulong sa team namin,” pakli ni Cardel.

Bagamat hindi pinangalanan ng head coach ang kanyang choice sa PBA Draft, nagbigay naman siya ng clue base sa mga katangian na hinahanap niya sa isang player.

“Kailangan ‘yung makakatulong sa team namin. Kailangan namin ng energy guy, tapos he can defend, tapos trapping defense, gusto namin mabilis ang laro,” dagdag niya pa.

Base sa kanyang pahayag, hitik sa mga energy guy ang posibleng magpa-draft ngayong taon, na sina Bobby Ray Parks Jr. CJ Perez at Robert Bolick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?