132

Mar 26, 2018 @ 10:18
By

Colorum drivers mato-tokhang din kapag nanlaban – Duterte

Matutulad sa mga biktima ng tokhang ang mga colorum drivers kapag manlaban sa gagawing pag-aresto ng mga otoridad.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan na niya ang mga pulis na simulan agad ang pag-aresto sa mga colorum na sasakyan sa buong bansa.

Ipapakalat aniya ang Special Action Forces (SAF) sa Manila habang gagamitin din ang Public Safety Batallion para magkumpiska ng mga sasakyan.

“And if you resist violently — listen carefully to this — if you resist violelently and your resistance puts the life of the police and the soldiers in danger because you have arms,then my order to them is “shoot them. Kill them”anang Pangulo.

Ayon sa Punong Ehekutibo, matagal na ang problema sa colorum na parang cancer, at marami ng mga pilipino ang maagang nasawi dahil sa raket ng mga ito.

Pero sa pagkakataon ito aniya sa ilalim ng kanyang administrasyon ay sisikapin niyang mabago ang problema sa mga colorum dahil magiging walang kuwenta ang gobyerno kung uupo lang at hahayaang mamatay at magdusa ang mga Pilipino.

Namatay aniya ang mga inosenteng Pilipino ng walang mabigat na dahilan dahil hindi kayang kontrolin ng gobyerno ang sitwasyon sa mga kolorum at hinayaan na lamang ang mga ito.

“No one was able to solve the problem with the colorum. It dates back to the time.of Marcos. Nobody ever solved it. But now I’ll give it a try,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?