8
colormanila
By

Color Manila gaganapin sa Central Visayas

Sharing is caring!

Isang kakaibang fun run ang ihahatid ng Color Manila na gaganapin ng dalawang linggo sa Central Visayas.

Ang Color Manila Challenge Run ay ilulunsad ngayong Linggo sa Cebu Business Park sa Ayala Center, at sa June 24 naman gaganapin ang Color Manila Paradise Run sa Vista Mall sa Iloilo.

“Our CM Challenge Cebu participants can look forward to the updated CM Challenge Run, a perfect mix of both a ‘fun-run’ and an ‘obstacle course run’,” sabi ni CM vice president Justine Cordero.

Binubuo ng 15 obstacles at 5k route ang Cebu event kabilang na ang inflatable slide, inflatable tire skip at military crawl obstacles.

Puwede namang mamili ang runner sa three race finishes sa Iloilo event: 3k, 5k, at 10k.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?