62

Jun 22, 2022 @ 19:24
By

Color-blind na pintor patok ang mga artwork

Balewala ang pagiging color-blind sa isang pintor mula Cebu sa pagpapatuloy sa kanyang propesyon.

Ayon sa ulat ng ‘Dapat Alam Mo,’ ang pintor na si Celso Pepito ay nakakabenta ng kanyang mga artwork sa halagang P40,000. Ito’y sa kabila ng pagiging color-blind niya.

Bilang solusyon, nilagyan umano ni Celso ng label ang mga kulay sa kanyang pagpipinta at nakaayos din ito mula sa pinakamatingkad hanggang sa pinakamadilim.

“After sa puti, warm to cool so warm colors, halimbawa iyong yellow, ilagay mo [muna]. Then after that, darker [so] orange. From light to dark siya,” kwento ni Celso.

Sa kabutihang-palad, pintor din ang maybahay ni Celso na si Fe kaya natutulungan siya nito sa pagpipinta.

“Minsan iyong sa paa, minsan iba iyong kulay. Nilagyan ng green or orange. Sabi ko, palitan mo kasi iba iyong kulay, bakit nagiging green?” kwento ni Fe tungkol sa kanilang mga pagkakamali.

Nadiskubre umano ni Celso na siya ay color-blind matapos siyang magtapos ng pagaaral. Ngunit imbis na panghinaan ng loob, ay lalo pang nagsumikap si Celso sa pagpipinta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?