140

Oct 28, 2020 @ 15:30
By

Colmenares tinitiktikan ng militar, nagpatulong sa CHR

Dumulog sa Commission on Human Rights (CHR) si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa gitna ng pagmamatyag sa kanya ng security forces ng gobyerno.

“Sumulat ako sa CHR kasi sa karanasan namin, biglang nagri-raid sila (government security forces) tapos may nakikitang baril, may nakikitang mga iligal na materyal,” banggit ni Colmenares sa isang ulat ngayong Miyerkoles.

“So, sumulat ako sa CHR, sabi ko, ‘You can inspect our house anytime and as frequent as you like’, para ipakita na wala kaming tinatago,” aniya pa.

Una rito, inamin ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na under surveillance si Colmenares dahil sa diumano’y pagkakaugnay ng huli sa mga communist rebel. Pinabulaanan ito ni Colmenares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?