52

Oct 17, 2021 @ 14:30
By

Colmenares nagpasalamat kay Pacquiao, Ka Leody

Nagpasalamat si Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares sa presidential aspirant na si Senator Manny Pacquiao na nagsama sa kanya bilang guest candidate sa senatorial slate nito.

“The recognition and support of a presidential candidate, like Sen. Pacquiao, is very important for candidates like me who rely on the support of ordinary Filipinos in our campaign. We value such unconditional endorsement,” sabi ni Colmenares.

Ang pagsama umano sa kanya at kay Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog sa senatorial slate ay senyales umano ng pagkilala ni Pacquiao sa pangangailangan na magkaroon ng kandidato na magiging boses ng mga manggagawa, magsasaka at marginalized sector sa Senado.

Nagpasalamat din si Colmenares sa presidential aspirant na si Leody de Guzman na nagsama rin sa kanya sa senatorial slate nito.

“I am glad that he considers me, and KMU Chairman Elmer Labog, as candidates who carry the interest of the workers in our country and deserving of the support of the workers and the people” dagdag pa ni Colmenares.

Itinuturing umano ni Colmenares na isang “positive development” ang pagsasama sa kanya ng iba’t ibang kandidato sa kani-kanilang senatorial slate. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?