22

Oct 7, 2021 @ 16:59
By

Colmenares naghain ng COC; tinira sina Duterte, Marcos

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Makabayan senatorial bet Neri Colmenares ngayong Huwebes.

Iginiit ni Colmenares ang kahalagahan ng mass testing at contact tracing na dapat ginagawa ng gobyerno upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

“ECQ, MECQ, Granular Lockdown, Alert Level 1-4, lahat ng Q naranasan na natin. Pero ni pagrampa sa testing at maayos na contact tracing hindi magawa. Samantalang bilyong-bilyong piso ang winaldas o hindi napaglaanan ng maayos para makatugon sa COVID 19,” sabi ni Colmenares.

Siya ay chairperson ng Bayan Muna at three-term representative ng Bayan Muna party-list.

Nanawagan din si Colmenares na labanan ang pagbabalik ng Marcos sa Malacañang at ang pananatili sa kapangyarihan ni Duterte.

“Next year is the 50th anniversary of the declaration of Martial Law, and I will be damned if we allow the Marcoses and the Dutertes to stay in power,” dagdag pa ni Colmenares. “Lalabanan po natin ito, kasama ang hangarin ni President Duterte na manatili sa poder. We will oppose a Marcos and a Duterte in Malacañang.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?