713

Nov 27, 2021 @ 16:32
By

Colmenares nabahala sa pagkambyo ni Robredo sa NTF-ELCAC issue

Nakakabahala umano ang tila pagbabago ng pananaw ni Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa isyu ng National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon kay Neri Colmenares.

Si Robredo ay bumisita sa ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines kung saan sinabi nito na pabor siya sa mandato at trabaho ng NTF-ELCAC, partikular ang Barangay Development Fund, ngunit sadyang sinira umano ito ng ilang mga opisyal.

Paliwanag naman ni Colmenares, hindi dahil sa ilang opisyal kaya nasira ang mandato ng NTF-ELCAC, kundi mali na rin umano ang buong sistema nito na ginagamit sa panghaharass sa mga kritiko ng gobyerno.

“VP Leni’s seeming turnaround on her earlier call to abolish the NTF-Elcac is worrisome,” wika ni Colmenares.

“May I respectfully point out to the Vice President that the problem with the NTF-ELCAC can not be merely attributed to its “careless members” but to a systemic policy that includes harassment and attacks against anyone perceived to be left-leaning or critical of the administration,” dugtong pa niya.

Ang pagpuna ni Colmenares sa bise presidente ay dahil una umano nitong sinabi na kanyang lulusawin ang NTF-ELCAC.

“[President Rodrigo] Duterte created the NTF-Elcac precisely to expand his violent and militarist approach to the armed rebel movement, to include the entire civilian bureaucracy in the guise of a ‘whole of government’ approach, and targeting unarmed civilians by vilifying them as communist-terrorist supporters and fronts,” dugtong pa ni Colmenares, na tatakbong senador sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?