68

Jan 11, 2022 @ 16:35
By

Colmenares: Mga health worker parang pinapambala sa Omicron variant

Nagpahayag ng pagkabahala si Bayan Muna chairperson Neri Colmenares sa desisyon ng Department of Health (DOH) na paikliin ang quarantine period ng mga health worker na nahawa ng COVID-19.

“Para nating pinapambala sa Omicron variant ang ating mga medical frontliners,” sabi ni Colmenares sa isang pahayag.

Ayon kay Colmenares, ang pagpapaikli ng quarantine period ay maaaring makaapekto sa pagrekober ng mga health care worker na kailangan upang mas magampanan nila ang kanilang trabaho.

“Our doctors, nurses and other health professionals need time to recover and keep safe from being infected or infecting others, considering their long hours on duty and extraordinary exposure to the Covid-19 virus. Unlike ordinary workers, who can get back to work without complying with full quarantine requirements and negative tests, our health workers need extra precaution for their sake and that of their patients,” sabi ni Colmenares.

Ayon sa DOH, maaaring gawin na lamang limang araw ang quarantine ng mga health workers na nahawa ng COVID-19 para matugunan ang kakapusan sa manpower ng mga ospital.

“I support the call of our health workers to reinstate the previous quarantine protocols imposed on them. Yes we need all frontliners on-board due to the surge, pero hindi sila mga superhero. Ordinaryong tao pa rin sila at hindi immune sa virus. Kailangan nilang magpagaling kung sakaling mahawaan sa paggampan ng kanilang katungkulan,” dagdag pa ni Colmenares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?